Hinikayat ng Malacañang ang publiko na mag-donate na lamang sa mga biktima ng Bagyong Odette sa halip na bumili ng mga paputok para salubungin ang bagong taon.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, mayroon namang mga pinapayagang community fireworks display na pamumunuan ng mga trained individuals.
Idinagdag din ni Nograles na mainam na sundin ang mungkahi ng Department of Health na ipagdiwang ang new year nang ligtas ngayong nasa gitna pa tayo ng COVID-19 pandemic.
Samantala, aabot na as ₱22 billion ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Odette sa mga imprastraktura, kabahayan at sektor ng agrikultura.
Facebook Comments