Palasyo, itinangging ilalagay sa mahigpit na lockdown ang Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon

Mariing pinabulaanan ng MalacaƱang na ilalagay sa mahigpit na lockdown ang Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan na ilalagay sa lockdown ang Metro Manila mula December 23 hanggang January 3.

Aniya, isang kawalang-hiyaan lamang ito para siraan ang pagdiriwan ng Pasko.


Iginiit ni Roque na i-aanunsyo ni Pangulong Duterte ang quarantine classifications sa huling linggo ng Disyembre.

Facebook Comments