Palasyo, kumpiyansang maaabot ang herd immunity ngayong taon

Naniniwala ang MalacaƱang na maaabot ng bansa ang herd immunity hindi lamang dito sa National Capital Region (NCR) kundi sa mga kalapit na lalawigan nito.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap na rin ng pagdagsa ng mga bakuna simula ngayong Mayo at mga susunod pang buwan kaya hindi malayong makamit ang target na herd immunity.

Sinabi ni Roque na sa kasalukuyang buwan ay papalo sa hindi bababa pitong milyong doses ang darating at bukod pa aniya diyan ang 1.5 million Sinovac na dumating nitong nakaraang Biyernes.


Sinabi pa ng kalihim na pagsapit ng June at July ay kanila ng inaasahang nasa 20 milyon ang pagbabakuna na isang hudyat ng lalo pang paglakas ng National Vaccination Program ng gobyerno.

Facebook Comments