Palasyo, naglunsad ng nationwide pa-contest para sa paggawa ng parol sa pagsisimula ng holiday season; ₱500,000, premyo sa mananalo

Iniimbitahan ng Malacañang ang lahat na lumahok sa kanilang Nationwide Parol-Making Competition na may premyong aabot sa ₱500,000.

Sa Facebook post ng Social Secretary’s Office, sa November 14 iaanunsiyo ang mga provincial winners at pagdating ng November 19 ay nasa Malacañang na dapat ang mga parol na nanalo sa provincial level habang December 3 ang lighting event.

November 22 ang judgement day na kung saan ₱500,000 ang ibibigay sa 1st place, ₱300,000 sa 2nd place at ₱100,000 ang para sa 3rd place.


Base sa criteria for judging, 30% ay compliance with parol classification, 25% para sa use of endemic materials, 25% for craftsmanship at 20% for creativity.

Magsisilbing namang mga hurado para sa kumpetisyon sina Tourism Secretary Christina Frasco, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., Jonathan Matti, Kenneth Cobonpu, at Dawn Zulueta.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring tingnan sa Facebook page ng Social Secretary’s Office dahil may anim na araw pa para makapagpasok ng entry sa parol competition.

Facebook Comments