Nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacañang kasunod ng pagpanaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, buong kakayahang naglingkod si Lim sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may integridad at propesyunalismo.
Pumanaw si Lim bago mag-alas-8 kaninang umaga sa edad na 65.
Bago nito, una nang nagpositibo si Lim sa COVID-19 noong Disyembre 29, 2020 matapos sumailalim sa swab test bilang isang frontliner.
Samantala, ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, hintayin na lamang muna ang opisyal na pahayag ng naiwang pamilya ni Lim.
Facebook Comments