Binigyang katwiran ng Malacañang ang paghahain ng kandidatura nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher “Bong” Go sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sa halip na sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni acting Presidential Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na gusto kasing umiwas ng pangulo at ni Senador Go sa anupamang komplikasyon.
Nahaharap kasi sa problemang legal sa Comelec ang PDP-Laban, bunsod ng dalawang paksyon.
Nariyan ang faction na pinamumunuan ni Secretary Alfonso Cusi at ang faction na pinamumunuan naman ni Senador Manny Pacquiao.
Inaasahang reresolbahin ng Comelec ang problemang ito sa mga susunod na araw.
Facebook Comments