Armas at mga Pampasabog, Narekober sa San Mariano, Isabela

Cauayan City, Isabela- Napasakamay ng tropa ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) ang dalawang armas at mga pampasabog na narekober sa bahagi ng Sitio Padbigen, Brgy. Del Pilar, San Mariano, Isabela.

Ito ay sa tulong ng isang dating rebelde na sumuko sa himpilan ng 1st IPMFC na nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng isang (1) 12-gauge shotgun, isang (1) improvised na M79 na may kasamang mga bala at apat (4) na piraso ng anti vehicle mines.

Tumulong rin sa pagrekober sa mga nasabing armas at pampasabog ang mga sundalo ng 95th Infantry Battalion ng 5ID, Philippine Army.


Ang mga narekober na itinago ng mga rebelde ay pansamantalang nasa kustodiya na ng 1st IPMFC na pinamumunuan ng kanilang Force Commander na si PLTCol Jeffrey Raposas para sa gagawing dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments