
Nilinaw ng Malacañang ang kalituhan kaugnay ng optional retirement at 4-star rank ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager at dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nagkausap na sila ni Torre at nagkaroon na ng malinaw na pagkakaintindihan.
Tiniyak aniya na makakatanggap si Torre ng buong benepisyo bilang isang nag-optional retirement na 4-star general.
Dagdag pa ni Castro, wala na ring isyu sa 4-star rank dahil ililipat na ito kay acting PNP Chief Melencio Nartatez.
Tanggap rin aniya ni Torre ang sitwasyon matapos niyang akuin ang posisyon bilang General Manager ng MMDA.
Facebook Comments










