Palasyo, nilinaw na hindi agad-agad ang pagbubukas ng face-to-face classes sa mga unibersidad

Nilinaw ng Malakanyang na hindi “instant” o hindi agad na makapagpatupad ng face-to-face classes ang mga unibersidad sa ilalim ng Alert Level 2.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng anusyo ng Commission on Higher Education (CHED) na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2.

Ayon sa kalihim, mayroon pa ring mga kondisyon ang dapat na masunod ng mga kolehiyo at unibersidad.


Kabilang dito ang pagiging fully vaccinated nang lahat ng estudyante, guro at faculty na makikibahagi rito.

Gayundin din ang pagtalima at pagpasa sa guidelines na binalangkas ng CHED.

Dapat din na hindi lalampas sa 50% ng classroom capacity ang gagamitin sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes.

Kailangan ay mayroong itong pagpayag ng Local Government Unit (LGU) na nakakasakop at kailangan mai-adjust ang mga pasilidad alinsunod sa mga hakbang laban sa COVID-19.

Facebook Comments