Monday, April 6, 2026

Palasyo, pinabulaanang may malubhang sakit si PBBM

Tiniyak ng Malacañang na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga kumakalat na impormasyong may stage 4 colon cancer ito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat basta pinaniniwalaan ang mga impormasyong walang malinaw na pinanggalingan, lalo na’t marami umanong kumakalat na fake news sa social media.

Dagdag pa niya, mas mainam na kumuha ng impormasyon mula sa lehitimong media outlets kaysa sa mga hindi beripikadong social media posts.

Bilang patunay, inaasahang personal na haharap ang pangulo sa publiko sa isang event sa Malacañang ngayong araw, kung saan pangungunahan niya ang oath-taking ng Vice Mayors League of the Philippines National Executive Officers.

Facebook Comments