Palasyo, pinawi ang pangamba ng publiko dahil sa bagong polisiya nitong ‘no facility based quarantine’ sa mga fully vaccinated inbound traveler

Walang dapat na ikapangamba ang publiko sa bagong polisiyang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga fully vaccinated inbound traveler mula sa Green List countries.

Matatandaan na base sa IATF Resolution na inilabas kagabi, ang mga fully vaccinated individuals na magmumula sa mga bansang kabilang sa listahang ito ay kailangan na lamang magpresinta ng negatibong RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 72 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan at hindi na nila kailangan pang sumailalim sa facility-based quarantine pagkarating sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, napakababa ng COVID-19 cases sa mga bansang pasok sa listahang ito.


Bukod dito, hindi naman marami ang mga Pilipino o inbound passengers na magmumula sa Green List countries.

Dagdag pa ng kalihim, mamaya ay magpupulong muli ang IATF upang i-update ang mga bansa na mapapabilang sa listahan ito.

Binigyang diin ni Rque na wala namang permanente sa mga resolusyon ng IATF at kanila itong inaamyendahan, depende sa pangangailangan ng sitwasyon.

Facebook Comments