Palasyo, pinayuhan si VP Leni na hintayin na lamang kung sino ang mananalo sa eleksyon

Hintayin na lamang ni Vice President Leni Robredo ang magiging resulta ng halalan para malaman kung sino ang susunod na presidente ng Pilipinas.

Ito ang sagot ng Palasyo sa sinabi ni Robredo na bibigyan niya ng magandang treatment si Pangulong Duterte kapag silang dalawa ay nagkapalitan lamang ng pwesto sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas makakabuti kay Robredo na hintayin ang eleksyon.


Aniya, tila mayroong short-term memory si Robredo.

Ipinaalala ni Roque kay Robredo na binigyan siya ng Cabinet post ni Pangulong Duterte pero mas pinili niyang maging lider ng oposisyon.

Sa ngayon, wala pang desisyon ni Robredo kung tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Facebook Comments