Palasyo, sinabing naging matagumpay ang paglulunsad kahapon ng vaccination program

Naging matagumpay ang unang araw ng pagsisimula ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Inihalimbawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sitwasyon sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Mula sa orihinal na 60 medical workers na nagpalista upang magpaturok ng Sinovac vaccines, umakyat aniya ang bilang na ito sa 128, makaraang magpaturok si PGH Director Dr. Gap Legaspi.


Sa kabuuan, nasa 756 na medical frontliners at uniformed personnel ang nabakunahan kahapon sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Secretary Roque, magtutuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa bansa sa iba’t ibang rehiyon, lalo’t ipadadala rin sa Visayas at Mindanao ang iba pang doses ng COVID vaccines.

Facebook Comments