Sinusuportahan ng Malacañang ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na dapat itigil ni Vice President Leni Robredo na huwag haluan ng pulitika ang COVID-19 response ng mga local government unit (LGUs).
Matatandaang nanawagan si Robredo sa Davao City na gayahin ang pandemic response ng Cebu.
Panawagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Robredo, itigil ang pamumulitika.
Hinikayat pa ni Roque ang publiko na hintayin ang magiging “engkwentro” ng dalawa.
Una nang sinabi ni Roque na tatakbo siya sa 2022 elections kapag itutulak ni Mayor Duterte ang pagtakbo bilang pangulo sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments