Palasyo, tinapik ang Kongreso na ipasa ang priority bills ngayong taon

Nanawagan na ang Malacañang sa Kongreso na ipasa ang mga priority bills ng administrasyon bago matapos ang taon.

Ito ay sa harap ng pagiging abala ng mga pulitiko sa nalalapit na 2022 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat trabahuin na ng Kongreso ang mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon.


“Kapag pinaabot pa natin sa susunod na taon, alam na natin busy na sa politika ang lahat. So the priority bills must be heard and hopefully will be passed within the year 2021,” katwiran ni Roque.

Sa kabila nito, umaasa si Roque na maipapasa ng Kongreso ang mga urgent bills, lalo na at maayos ang relasyon ng Ehekutibo at Lehislatura.

Facebook Comments