Palasyo, tiniyak ang mabilis na imbestigasyon sa Cotabato blast

Tiniyak ng Malacañang ang mabilis na resolusyon sa nangyaring pagsabog sa Cotabato City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ikinalulungkot nila ang pangyayari pero sinigurong masusing iniimbestigahan na ito.

Nagpaalala naman si Panelo na huwag nang gawan ng espekulasyon ang nangyaring pagsabog lalo na kung magdudulot lang ito ng takot sa publiko.


Nakikiramay na rin ang palasyo sa pamilya, kaanak at kaibigan ng mga biktima.

Facebook Comments