Palasyo, tiniyak na hindi magiging kuta ng ISIS ang Marawi City

Marawi City – Tiniyak ngayon ng malakanyang na hindi magiging ISIS hub o kuta ng teroristang grupong ISIS ang Marawi City.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa pahayag ng ilang senador sa Estados Unidos na dapat palawigin ang papel ng US troops sa bakbakan sa Marawi para matiyak na hindi ito maging kuta ng Islamic State.

Giit ni Abella, ginawa na ng militar ang hakbang para matiyak na hindi maisasakatuparan ng Maute Terror Group ang planong pagtatatag ng ISIS regional hub sa bahagi ng Mindanao.


Bunsod nito ay binigyang diin ni Abella na sapat na ang ibinibigay ng US troops na technical assistance na siyang pinapahintulutan lang ng ating konstitusyon.

“At this stage, I suppose we’ll have to take the position that it’s unlikely for Marawi to become a new hub for IS fighters.
The Philippine military has already preempted the Maute group from establishing a wilayat or province in Marawi.
So the role of the US in relation to the IS is to provide technical assistance as prescribed by the Constitution and we will abide by that,” pahayag ni Abella.

Samantala, Umaabot na sa P224,000 as of 2 p.m. ng June 19 ang pumapasok na donasyon para sa pamilyang naulila ng mga sundalong nasawi sa operasyon sa Marawi City.

Habang nasa P21,000 naman na ang tulong para sa mga evacuees.

Facebook Comments