Palasyo, tiniyak na pinakikinggan ang lahat ng sentimyento ng taumbayan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na nakikinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa anomang sentimyento ng taumbayan.
Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap na rin ng pagbaba ng rating ng Pangulo base na rin sa survey ng Social Weather Station o SWS.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi mahalaga sa Pangulo ang ratings kung ang pag-uusapan ay ang popularity dahil alam aniya ng Pangulo na mayroong mga desisyon na kailangang gawin na hindi naman popular sa taumbayan.
Pero ang sentimyento aniya ng mamamayan ay hindi isinasantabi ng Pangulo at pakikinggan ang mga ito para matugunan.
Binigyang diin ni Abella na tuloy ang war on illegal drugs at paglaban sa katiwalian ng administrasyon kahit pa unpopular to sa ilan.
Una nang sinabi ng Palasyo na sa kabila ng pagbaba ng ratings ng Pangulo ay tuloy parin ang trabaho at hindi sila paaapekto sa pagbaba ng ratings ng Pangulo at magiging inspirasyon pa ito para magtrabaho ng mabuti.

Facebook Comments