Palasyo, tiwala sa contingency plan ng OWWA at Embahada ng Pilipinas para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel

Kumpiyansa ang Malacañang na handa ang Embahada ng Pilipinas sa Tel-Aviv at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng Israelis at Palestinians.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang embahada at ang OWWA ay mayroong procedure sakaling may pumutok na krisis o karahasan lalo na sa mga lugar na may overseas Filipino workers (OFWs).

Kung kinakailangan, handa ang pamahalaan na sagipin ang mga Pilipino roon.


Mula nitong Hunyo 2020, nasa halos 30,000 Pilipino ang nasa Israel.

Facebook Comments