Palasyo, tiwalang maaabot ng Pilipinas ang population protection sa Disyembre

Nananatiling tiwala ang Malacañang na maaabot ng Pilipinas ang population protection laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon sa kabila ng mabagal na vaccination program.

Sa ilalim ng population protection, unang babakunahan ang mga miyembro ng populasyon na mabilis dapuan ng COVID-19 at ang mga nagpapakita ng severe symptoms.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Pilipinas ay pumapangalawa sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na may pinakamataas na bilang ng nagagamit na doses.


Aniya, maaabot ang target na 70% ng population lalo na at nakakapagbakuna na ng 300,000 na Pilipino kada araw.

Sa datos ng pamahalaan, aabot na sa 6,870,054 vaccine doses ang nagamit habang 1,855,472 ang fully vaccinated.

Facebook Comments