Palasyo, wala pang desisyon tungkol sa mga POGO; imbestigasyon ng Senado dito, hinihintay pang matapos

Hindi pa makapagdesisyon ang Malacañang ukol sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sa budget hearing ng Senado sa Office of the President (OP), sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na napag-uusapan sa palasyo ang tungkol sa POGO pero hihintayin pa nila na matapos ang imbestigasyon dito ng Senado.

Sinabi ni Bersamin na iginagalang ng Ehekutibo ang ongoing na imbestigasyon at ang magiging ‘findings’ dito ng Senado, at kapag natapos dito ang Senado, maaari umano silang magtulungan sa POGO issue.


Samantala, magsasagawa pa ng isang pagdinig ang Senate Committee on Ways and Means kaugnay sa mga pakinabang at epekto ng POGO sa bansa.

Facebook Comments