Palengke on Wheels inilunsad sa Maguindanao!

Isanagawa kahapon (Hunyo 9, 2020) ang pagsisimula ng MAFARLENGKE on Wheels o MAFAR Local Exchange and Network of Goods in any Kind of Emergency ng MAFAR sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division o AMAD. Ito ay isinagawa sa Campo Cuatro Elementary School ng Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki sa Probinsya ng Maguindanao .

Ayon kay AMAD Chief Datu Hamsur J. Zaid, tampok sa okasyon ang pagbebenta ng mga magsasaka ng kanilang mga produktong gulay at prutas tulad ampalaya, pipino, kalabasa, siling labuyo, string beans at upo sa mas murang halaga. May mga mabibili ring murang bigas, pulang asukal, dried fish, honey o pulot, black rice, red rice, at mga native delicacies gaya ng dodol at tinagtag, pati na calamansi juice, marinated boneless bangus, crabs, assorted fish, cassava cake, coco sugar at marang. Makakabili rin ang mga konsumidor ng itlog, organic juice, monggo, madahong gulay, at marami pang iba.

Inihayag naman Minister Mohammad S. Yacob na pinakalayunin ng programa na matulungan ang mga magsasakang apektado ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic na maibenta ng presko ang kanilang mga inaning produkto sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng transportasyon at pag konekta sa kanila sa mga mamimili. Maliban rito, matutulungan din ang mga konsumidor na makabili ng kanilang pangangailangan sa pagkain sa murang halaga at sa lugar na malapit sa kanila.


Bisita rin sa okasyon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na nagpaabot ng full support sa programa ng MAFAR BARMM. Lumahok rin ang Host Local Chief Executive DAS Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu

Ang MAFARLENGKE ay muling magbebenta sa iba pang mga munisipyo sa susunod na mga araw at ito ay alinsunod sa programa ng DA sa pangunguna ni DA secretary William Dar na pinamagatang KAtuwang sa DIwa at GaWA para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita ( KADIWA ni Ani at Kita), isang proyekto na tumutugon sa krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng COVID-19.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments