Palit-pangalan ng mga POGO, ibinabala ng isang kongresista; sertipikasyon sa POGO Tax Bill, hiniling

Ibinabala ni House Committee on Appropriations Vice Chairman Joey Salceda ang ginagawang pagpapalit ng pangalan ng mga operator ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para maiwasan ang kanilang tax liabilities sa pamahalaan.

Aminado si Salceda na pahirapan ang pagkolekta ng buwis mula sa POGOs dahil sa umiiral na sistema kung saan tumatayo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang middleman sa franchise fees ng industriyang ito.

Dahil dito, pinasesertipikahang urgent ni Salceda ang kanyang inihaing House Bill 5267 o ang POGO Tax Bill.


Hinikayat din nito ang Senado na maghain ng kanilang counterpart version ng pagbubuwis sa POGO.

Kailangan na aniyang magkaroon ng sistematikong batas sa pagbubuwis sa POGOs para maikonsidera bilang tax evasion ang hindi pagbabayad ng mga ito ng tax liabilities.

Sa ilalim nito ay magkaroon ng kapangyarihan ang pamahalaan na maglabas ng hold-departure orders at makapagsagawa ng imbestigasyon sa mga suspected illegal POGO activities.

Facebook Comments