PALIT PINUNO? | Pangulo ng Philippine Olympic Committee, dapat na daw palitan

Manila, Philippines – Ipinapanawagan ngayon ang pagkakaroon ng reporma sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay Ed Picson, Secretary General ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) – usap-usapan ngayon na muling idi-disqualify ng election committee ang iba pang kandidato para sa POC elections.

Kung magkataon, mananatiling pangulo ng POC si Jose “Peping” Cojuangco na hindi pa napapalitan mula nang maitalaga noong 2004.


Ayon kay Picson, malinaw sa desisyon ng Pasig RTC na kailangang isama bilang mga kandidato sa eleksyon sina ABAP President Ricky Vargas at Cycling Chief Cong. Bembol Tolentino.

Base sa desisyon ng korte, dapat isagawa ang eleksyon bukas, February 23.

Facebook Comments