Nagpapatupad na ng ‘palit-ulo’ scheme ang Ligtas COVID Center, isa sa mga isolation facilities sa Cabuyao, Laguna.
Ito ay paraan kung saan hihintayin munang ma-discharge ang isang pasyente bago i-admit ang isa pa.
Ayon kay facility manager Dr. CJ Cofreros, naabot na kasi ng nasabing pasilidad ang kanilang full capacity dahil sa naitatalang mataas na kaso ng COVID-19.
Aniya, mayroon silang itinalagang admin personnel na tumatanggap ng tawag mula sa mga pasyente at kinukuha ang ilang detalye gaya ng kasalukuyang kalagayan, vital signs,at petsa ng swab test.
Dahil dito, agad na napupunan ang bakanteng pwesto ng bagong pasyente.
Dagdag pa ni Cofreros, mayorya sa kanilang mga pasyente ay asmptomatic, 40% ang mild cases at 10% ang moderate cases.
Facebook Comments