Tiwala ang Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) na posibleng hindi na gumalaw ang halaga ng palitan ng piso kontra dolyar bago matapos ang 2022.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz Luis, mananatili sa P54 hanggang P56 ito at kung magkakaroon man ito ng paggalaw ay hindi ito gaano kalaki.
Ito ay kahit na aniya tumaas ang inflation rate na naitala noong nakaraang buwan, kung saan umabot ito ng 8 percent.
Maliban dito, napakalaking parte rin dito ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nakadagdag pa rito ang girian sa pagitan ng Russia at Ukraine na nauwi pa sa sanction laban sa suppliers na lalong nagpahigpit sa suplay ng langis.
Facebook Comments