PALUGIT SA PAGBABAYAD NG BUWIS SA SAN CARLOS CITY, PINALAWIG HANGGANG PEBRERO 15

Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City ang deadline para sa pagbabayad ng buwis, fees, at iba pang charges hanggang sa Pebrero 15, 2026.

Layunin ng hakbang na ito na matugunan ang pinansyal na hamon na nararanasan ng mga negosyante dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo o inflation. Ayon sa kanilang pahayag, nais ng lokal na pamahalaan na bigyan ng dagdag na panahon ang mga negosyo upang mapagaan ang kanilang pasanin sa pagbabayad.

Ang desisyong ito ay alinsunod sa Resolution No. 26-017, na pinagtibay ng punong ehekutibo at mga miyembro ng City Council bilang suporta sa mga lokal na negosyante at sa pagpapatatag ng ekonomiya ng lungsod.

Nanawagan ang pamahalaan sa lahat ng mga may-ari ng negosyo na samantalahin ang ibinigay na palugit upang maiwasan ang anumang abala o penalty sa kanilang mga obligasyon sa buwis at iba pang bayarin.

Facebook Comments