Pamahalaan, maglalaan ng mas maraming bakuna sa mga probinsya sa harap ng COVID surge ayon kay Pangulong Duterte

Makakatanggap ng malaking supply ng COVID-19 vaccines ang ilang lalawigan tulad ng Cebu, Cagayan, at Zamboanga sa harap ng case surge.

Sa kanyang interview sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na nagkakaroon ng pagtaas ng kaso dahil marami ang hindi naniniwala sa COVID-19 at binabalewala ang health protocols.

Aniya, ang mga susunod na batch ng bakuna ay ipapadala na sa mga rehiyong may mataas na kaso ng COVID-19 lalo na at banta rin ang bagong variants.


Ang pamahalaan ay nagbabayad ngayon para sa mga bakunang galing sa mga loan na ipinagkaloob ng World Bank at Development Bank of Asia (DBA).

Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na hindi nagalaw o ibinulsa ang pera para rito.

Nagagalak din si Pangulong Duterte na ang Estados Unidos ay ibibigay ang sobra nilang vaccine supply.

Facebook Comments