Pamahalaan, may nakalatag na mga hakbang kontra 2019-nCoV – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may ginagawang mga hakbang ang pamahalaan laban sa 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – inalerto na nila ang lahat ng ospital  sa bansa para mabigyan ng kaukulang atensyon ang mga magpapakonsulta at magpapa-quarantine ukol dito.

Mahigpit na rin aniya ang ipinapatupad na screening sa mga paliparan at pantalan.


Tinututukan nila ang mga pasaherong nagkaroon ng direct contact sa pasyenteng n-CoV, lalo na ang mga galing sa Wuhan, China – kung saan nag-umpisa ang outbreak.

Sa huling tala ng ahensya, mayroong 11 “patients under investigation” pero walang Pilipinong kasama rito at na-discharge na ang iba sa kanila.

Ang mga nationalities ng mga ito ay mga Chinese, Brazilian, American, at German.

Naitala ang mga ito sa Metro Manila, Mimaropa, Northern Mindanao, Western Visayas, Eastern Visayas at Central Visayas.

Facebook Comments