Pamahalaan, nakahandang magbigay ng tulong sa mga bansang tinamaan ng malakas na lindol kahapon

Nagpaabot ng pakikiramay at suporta ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga naapektuhan ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar at kalapit na bansang Thailand.

Ayon kay OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, nakahanda ang pamahalaan na makipagtulungan sa lokal at pandaigdigang mga ahensya upang maghatid ng tulong at agarang suporta sa mga nangangailangan.

Ani Nepomuceno, ipinauubaya na nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung magpapadala ng tulong at kung anong assistance ang ipagkakaloob sa mga apektadong bansa.


Kasunod nito, ipinunto ni Nepomuceno na ang trahedyang ito ay dapat magsilbing “wake-up call” para sa lahat ng Pilipino.

Aniya, kailangang seryosohin ang kahalagahan ng kahandaan sa lindol at iba pang kalamidad.

Facebook Comments