Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ginagawa ng gobyerno ang lahat para hindi na kumalat pa ang naitalang avian flu sa Pampanga at ang sinasabing kaso nito sa Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy ang ginagawang monitoring ng pamahalaan sa sitwasyon sa Central Luzon patungko sa kaso ng avian influenza o bird Flu.
Umapela naman ang Malacañang sa publiko na manatiling mapagmasid at kalmado sa harap narin ng kaso ng nasabing sakit.
Hindi din aniya dapat magpakalat ng maling impormasyon ang mamamayan lalo na sa social media patungkol sa bird flu.
Nabatid na sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na inaasahan nila na matatapos na ngayong araw ang pagpatay sa mga manok, pato at pugo sa San Luis, Pampanga na sinasabing kontaminado ng bird flu.