Pinaalalahanan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pamahalaan na iprayoridad ang kaligtasan ng mga Pilipino pagdating sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng pahayag ng Department of Science and Technology (DOST) na katanggap-tanggap na ang 50 percent efficacy rate ng COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinovac Biotech.
Giit ni Drilon, malayong malayo ang efficacy rate ng Sinovac sa ibang mga COVID-19 vaccine na available gaya ng sa Pfizer, Moderna at AstraZeneca.
Aniya, nauunawaan niya ang pagbalanse ng gobyerno sa kagustuhang magkaroon kaagad ng COVID-19 vaccine, presyo, availability, pagiging epektibo at logistics.
Pero dapat pa ring ikonsidera ng pamahalaan at hindi isakripisyo ang pagiging epektibo ng bakuna at ang kaligtasan ng mga Pilipino.