Pamahalaan, pinagde-deploy ng mobile vaccination services sa mga malalayong lugar

Pinagde-deploy ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang pamahalaan ng “mobile vaccination services” upang mailapit sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccination program.

Tinukoy ng mambabatas na marami sa mga Pilipino ang hindi pa rin nakakatanggap ng bakuna bunsod ng mga barrier na humaharang sa mga ito para magkaroon ng access sa bakuna.

Partikular na ipinalalagay ng kongresista ang “mobile vaccination resources” sa mga probinsya at malalayong lugar na mahirap mapuntahan at sa mga lugar na may populasyon na may mataas na risk sa sakit.


Sa pamamagitan aniya ng mobile inoculation services ay mararating ng gobyerno ang mga Pilipinong hindi pa nababakunahan dahil sa kanilang social at economic situation.

Ilan sa mga sitwasyon na ito ay dahil sa kawalan ng maayos na public transportation sa kanilang lugar o kaya naman ay hindi maiwan ang mga anak o pamilyang may sakit o kaya naman ay trabaho para makapunta sa mga vaccination site.

Iginiit ni Pimentel na mahalagang gawing madali para sa mga Pilipino ang access sa vaccination services upang maging posible ang mabilis na pagkamit sa 70% herd immunity sa katapusan ng taon.

Facebook Comments