Ililikas sa ligtas na lugar sa gitnang silangan ang mga Filipino sa Iran at Iraq.
Ito ang pangunahing gagawin ng mga kinauukulan ng Pilipinas sa harap ng lumalalang tensyon ngayon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo layunin pa rin ng pamahalaan ay mapauwi rito sa bansa ang mga kababayan natin sa Iran at Iraq.
Pero kapag nailipat na sa mas ligtas na lugar sa gitnang silangan ang mga Pilipino, saka sila papipiliin kung sino ang mga gustong umuwi sa bansa at kung sino sino ang gusto lamang munang manatili roon.
Ayon kay Panelo, mahirap kasing pilitin ang mga Filipino na umuwi rito nang hindi naman sila handa.
Sa kabila nito, tinitiyak ng gobyerno na may mapapasukang trabaho sa bansa ang mga mapapauwing OFWs.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na prioridad na maipapasok sa mga Build Build Build programs ang mga Pinoy na mag avail ng repatriation program.