PNP, suportado ang pagpapatupad muli ng NCAP sa Metro Manila

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang ligtas at maayos na pagpapatupad muli ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa Metro Manila partikular na sa Maynila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Muntinlupa, at San Juan simula Lunes, October 5.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nirerespeto ng PNP ang desisyon na muling ibalik ang NCAP at hinihikayat rin nito ang mga motorista na sumunod sa mga traffic regulations at manatiling inform sa mga lokal na ordinansa.

Hinimok din ni Nartatez ang mga motorista na gamitin ang mga tamang channel ng lokal na pamahalaan para beripikahin o iclarify ang mga naiulat na paglabag.

Ang muling pagpapatupad ng NCAP ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema noong June 3, 2026, na nagbasura sa magkakasamang petisyon na kumukuwestiyon sa mga ordinansa hinggil sa NCAP sa mga nasabing lugar.

Ang desisyon, na inilabas sa publiko noong Hulyo 9, ay nag-alis din sa natitirang temporary restraining order (TRO) laban sa mga lokal na ordinansa.

Facebook Comments