![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/economic.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Pursigido ang administrasyong Marcos na mas higitan pa ang naging economic performance ng pamahalaan noong nakaraang taon.
Ito’y kahit pa kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa itinakbo ng ekonomiya ng bansa noong 2024.
Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, target nilang mapataas pa ang gross domestic product (GDP) ng 6% hanggang 8% ngayong 2025 na mas mataas sa 6% to 6.5% target na GDP growth.
Aabutin din ng gobyerno ang 2% to 4% inflation rate habang ang antas ng kahirapan ay sisikaping maabot ang 13.2% at 9% sa 2028.
Ipagpapatuloy rin ng NEDA na magpatupad ng social economic transformation sa pamamagitan ng pagpapalakas pa ng economic productivity, paggamit ng makabagong teknolohiya at kolaborasyon sa iba’t ibang stakeholders.