Hindi pababayaan ng gobyerno ang mga residenteng apektado ng pagguho ng lupa at pagbaha sa Cordillera, partikular sa Ifugao matapos ang naranasang pag-ulan.
Ito ang tiniyak ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal sa harap ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa mga apektadong residente doon.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal, nasa ₱2.4-M na halaga na ng assistance ang naibigay ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
Kabilang na dito ang mga family food packs at iba pang items.
Aniya, sa higit 1,000 pamilya na naapektuhan mula sa 10 barangay sa lugar, isang evacuation center lamang ang ginamit, at dalawang pamilya lamang ang nanatili sa mga ito.
Pero, kahapon, una na ring bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas.