Pamahalaang lokal ng Makati, pinag-iingat ang publiko sa mga nagkalat na fixer

Pinag-iingat ngayon ng lokal na pamahalaan ng Makati ang publiko sa mga nagkalat na fixer sa kanilang lungsod.

Sa inilabas na babala ng Human Resource Development Office o HRDO, maging mapanuri laban sa mga pekeng dokumento at huwag basta-basta maniniwala sa mga taong nag-aalok ng tulong saka sinasabing may kakilala sa loob ng City Hall.

Upang makaiwas naman sa mga pekeng papeles at manloloko, makipag-transact lamang sa mga lehitimong kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na otorisadong mag-proseso ng mga dokumento mula sa City Hall at sa loob ito mismo ng kanilang tanggapan o designated area of operations.


Maaari ding i-report ang mga fixer at illegal activities sa HRDO sa numerong 870-1143 o kaya ay mag-email sa hrdo@makati.gov.ph.

 

Facebook Comments