Inilunsad ng Pamahalaang lokal ng Muntinlupa at Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI-Muntinlupa ang W.O.W. Munti M.A.L.L. at “DALI-very Service” na isang online delivery platform.
Kaya naman hinikayat ni Mayor Jaime Fresnedi ang mga residente ng lungsod na tangkilikin ang mga produktong gawa mismo ng mga taga Muntinlupa.
Layunin nito na sa pamamagitan ng online, patuloy na makakapagbenta ang mga lokal na negosyante sa lungsod.
Dagdag pa niya na sa kabila ng COVID-19 pandemic, makapagnenegosyo pa rin ang mga vulnerable sector tulad ng Persons with Disabilities (PWDs), repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs), mga nakakulong sa New Bilibid Prisons, displaced workers, mga nanay, at iba pa.
Ang W.O.W. Munti M.A.L.L ay may tagline na, “Trust Local, Shop Local for a Cause.”
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website nito na wowmuntimallpcci.com o sa City Government of Muntinlupa official Facebook page.