Pamahalaang lungsod ng Makati, namahagi na ng learning packages sa mga pre-kindergarten

Inumpisahan na pamahalaang Lungsod ng Makati ang pamamahagi ng learner’s kits sa may 1,087 na batang Makatizen na naka-enrol sa pre-Kindergarten Education Program ng lungsod.

Ayon kay Mayor Abby Binay, nitong Lunes nagsimula ang kanilang pamamahagi sa nasabing learner’s kit na naglalaman ng nalphabet puzzle set, alphabet flash cards, Math/numbers flash cards, wooden magnetic drawing board, abacus, plastic building blocks toys, big crayons, clay, glue, popsicle sticks, scissors, construction papers, plastic ball, at jumping rope na pambata.

May laman din aniya itong hygiene kit gaya ng sabon, toothbrush, toothpaste, at face towel.


Bahagi ito ng pagtutulungan ng lungsod at ng Department of Education (DepEd) Makati upang itaguyod ang tuloy-tuloy na edukasyon ng mga kabataan sa gitna ng pandemya.

Tatagal ang pre-Kindergarten Education Program ng limang buwan, gamit ang localized and enhanced pre-K Curriculum na nakabatay sa pamantayan ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at may sampung gurong nakatalaga sa pamamahala ng programa.

Facebook Comments