Pamahalaang lungsod ng Marikina, naglaan ng P82.7 milyong pondo para sa COVID-19 vaccine

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na naglaan na ito pondo para sa pambili ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, mayroong P82.7 milyon ang lungsod bilang pambili ng bakuna laban sa virus.

Ang pondo aniya ay bahagi ng kanilang P2.3 bilyong budget para ngayong taon.


Ito ay para matiyak na mabibigyan ng libreng bakuna para sa COVID-19 ang mga residente ng lungsod.

Pero iginiit niya na priority nito ang mga frontliner, mahihirap at senior citizen.

Sa ngayon, gumagawa na ng mga polisiya ang lungsod upang magkaroon ng maayos na pagbibigay ng bakuna.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa nasyonal na pamahalaan para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments