Operasyon ng PNP Cauayan City, Tuloy pa rin Kahit may mga Nagpositibo sa COVID-19

18

Cauayan City, Isabela- Muling iginiit ng Cauayan City Police Station na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang araw-araw na operasyon sa kabila ng mga naitalang COVID-19 positive sa kanilang hanay at pagpanaw ng isa pang positibo sa virus.

Ayon kay P/Lt Col. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Cauayan, bagamat may mga pulis na tinamaan ng COVID-19 at isang naitalang COVID-19 related death ay hindi pa rin mapaparalisa ang kanilang operasyon at pagbibigay serbisyo sa publiko.


Mahigpit naman aniyang binabantayan at inoobserbahan ang kalagayan ng mga nagpositibong pulis na kasaliukuyang naka strict quarantine.

Dati nang hinigpitan ng pulisya ang pagdalaw ng mga kapamilya sa mga nasa lock-up cell maliban na lamang kung kinakailangan ng atensyong medikal ng taong nakapiit.

Muli namang nanawagan ang Hepa sa publiko na mga-ingat at sumunod pa rin sa health and safety protocols upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Pinaalalahanan din ang mga kapamilya ng mga nakapiit sa pulisya na huwag munang bumisita upang matiyak ang kaligtasan ng mga nasa loob at makaiwas na rin sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.




Facebook Comments