Pamahalaang lungsod ng Pasay, nakatanggap ng donasyon bilang proteksyon sa COVID-19

Lubos na nagpapasalamat ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa donasyon ibinigay ng isang pribadong sektor para makatulong maiwasan ang Coronavirus Disease o COVID-19.

Aabot sa 2,000 botelya ng 70% alcohol, 1,500 piraso ng face masks, 20 gallon ng hand sanitizer at 10 units ng infrared thermometers ang ibinigay na donasyon ng Philippine Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI) sa Pasay City local government.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pasay, malaking tulong daw ito upang maiwasan at maprotektahan ang mga residente ng lungsod sa COVID-19.


Sinabi naman ng mga taga-PCCAI na ang donasyong ito ay bahagi ng kanilang pagsuporta sa mga programang para sa kapakanan ng mga komunidad, katuwang ang iba’t-iba pang tanggapan o pasilidad na pag-aari at pinangangasiwaan ng PCCAI tulad ng Chinese General Hospital and Medical Center at Filipino-Chinese General Chamber of Commerce, Inc.

Patuloy namang minomonitor ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay ang sitwasyon ng COVID-19 kung saan nakaantabay sila sa balitang inilalabas ng Department of Health (DOH) at ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments