Pamahalaang lungsod ng Pasig, nagbigay ng diskwento sa mga magbabayad ng Real Property Tax sa nakatakdang petsa

19

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig na makakakuha ng diskwento ang mga residente nito na magbabayad ng kanilang Real Property Tax sa nakatakdang petsa para unang quarter ngayong taon.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto layunin nito na himukin ang mga taga-Pasig na magbayad ng kanilang tax responsibility sa petsa o bago mag-deadline.


Pero nilinaw ng alkalde na ang nasabing diskwento ay para lang sa mga nagbabayad ng buwis ng maayos.

Kung makakapagbayad ng January 4 hanggang January 31 ngayong taon ay mayroong 10% discount.

Kung mula naman February 1 hanggang March 31 ay may discount naman na 5%.

Maaaring magbayad ng buwis ang mga residente ng lungsod sa Pasig City Hall, San Antonio Annex, Ugong Annex, at Manggahan Annex mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.




Facebook Comments