Pamahalaang Panglungsod ng Ilagan, Patuloy ang Pamamahagi ng Scholarship!

Ilagan City, Isabela- Patuloy ang ginagawang pagdaragdag at pamamahagi ng
pamahalaang panglungsod ng City of Ilagan sa pondo ng scholarship program
para sa mga Ilagueño na nagnanais mag-aral.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Ilagan City Information Officer
Paul Bacungan kahapon, Marso 19, 2018, masayang ibinahagi nito na
nagrelease ng P 5, 272,604 na pondo ang City of Ilagan para sa 857 na
bilang ng mga scholars.

Aniya, ang naturang scholarship ay nahahati umano sa tatlong kategorya gaya
ng Iskolar ng Ilagan Program (ISIP) na para mga estudyante sa pampublikong
paaralan at may allowance na 1500 hanggang 3000 pesos bawat buwan,
Scholarship Assistance for Ilagan Talented Students (SAINTS) para naman sa
mga private schools na may allowance din na 4000 pesos bawat semester,
Academic Excellence Scholarship (ACES)


Dagdag pa rito ay ang Success Program para sa mga post graduate na gustong
magpatuloy sa pag-aaral ng M.A, Ph.D at iba pa.

Samantala, mayroon pang programa ang Lokal na Pamahalaan ng Ilagan sa mga
out of school youth gaya ng anim na buwang pagtuturo ng vocational courses
sa pakikipagtulungan naman ng TESDA.

Upang makakuha ng scholarship ay kinakaylangan lamang na walang bagsak, may
limang taong paninirahan at rehistradong botante sa lungsod ng Ilagan.

Paul Bacungan, Mycity pio

Facebook Comments