Nakatakdang bumili ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng isang medical equipment na makatutulong sa mga COVID-19 patients nang maiwasan ang intubation o mapunta ang mga ito sa ICU.
Ayon kay Attorney Nimrod S. Camba, Provincial Administrator, nagpatawag ng pulong si Governor Amado I Espino III sa ilang miyembro ng Provincial IATF matapos makapagtala ang lalawigan ng all-time record high na COVID-19 cases na umabot ng 878.
Aniya, napag-usapan dito ang karagdagang paraan upang matugunan ang problema sa pandemya kabilang ang pagbili ng medical equipment para sa mga COVID-19 patients.
Sa naturang kagamitan, kung maibigay umano ito sa pasyente hindi na kakailanganin pang ma ICU ang isang COVID-19 patient.
Sa ngayon, ito ay hinahanapan ng pamahalaang panlalawigan ng pondo upang agad na mabili at makatulong sa mga indibidwal na nangangailangan ng atensyong medikal.