Cauayan City, Isabela- Nagtatag na ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng Inter Agency Taskforce laban sa novel Coronavirus sa ginanap na emergency meeting kahapon sa Provincial Capitol sa pangunguna ni Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III.
Ito ay binubuo ng Liga ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan President, MDRRMO, mga iba’t-ibang organisasyon at iba pang ahensya ng gobyerno upang lalong mapaghandaan ang banta ng naturang nakamamatay na sakit.
Layon ng binuong task force na mabantayan ang Lalawigan upang mapigilan at hindi na madagdagan ang kaso ng ‘person under investigation’ (PUI).
Anumang araw ay magiging visible na sa Lalawigan ang binuong taskforce upang magbantay at magpatupad ng awarenes campaign sa mamamayan.
Facebook Comments