Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Handa na sa Pagdating ni Papal Nuncio Ngayong Araw!

City of Ilagan, Isabela – Handa na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa pagdating ng kinatawan ng Vatican sa Pilipinas na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia ngayong araw.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.

Nakatakdang dumating ngayong umaga ang iba’t ibang Obispo sa Pilipinas, mga Cardinal at iba pang mga bisita para saksihan ang pagkaluklok sa bagong obispo ng Diosesis ng City of Ilagan na si Bishop David William Antonio.


Kaugnay nito, magkakaroon ng Motorcade Procession ang Imahe ng Our Lady of Guibang mamayang alas tres ng hapon na magsisimula sa Guibang patungo sa St. Michael Cathedral, Upi, Gamu, Isabela.

Magaganap naman ang misa mamayang alas singko ng hapon sa St. Michael Cathedral at State Dinner mamayang alas sais ng gabi na pangungunahan ni Isabela Governor Faustino Bojie Dy III kasama ang ilang opisyales.

Samantala, nanawagan naman si Ginoong Santos sa mga may sakit na bukol na magtungo sa Milagros District Hospital, Cabagan, Isabela para sa libreng operasyon na magsisimula ngayong araw hanggang sa Pebrero 13, 2019.

Ito ay handog ng Provincial Government of Isabela sa lahat ng mga nangangailagan dito sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments