Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang pamamahagi ng 25 kilos ng bigas sa bawat pamilya sa Lungsod ng Cauayan bunsod pa rin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine dahil sa Coronavirus (COVID-19) Pandemic.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, may mga barangay na ang naunang nabigyan ng tulong at isusunod na rin ang iba pang mga barangay.
Hindi aniya sabay-sabay ang pagbibigay ng naturang bigas dahil nakadipende sa pagdedeliver ng mgg pinagkukuhanang rice miller sa Lungsod.
Nasa halos 40 libong households ang mabibigyan ng 25 kilos ng bigas at target na mabigyan lahat ng mga barangang ngayong Linggo.
Humihingi naman si Mayor Dy ng pang-unawa sa mga Cauayeño at bigyan ng pagpapahalaga ang mga frontliners maging ang mga opisyal ng barangay dahil sila rin aniya ang pangunahing tumutulong sa pamamahagi ng relief goods dala ng kakulangan sa manpower.
Kaugnay nito, inaasahang ipapamigay na rin sa susunod na Linggo ang tulong mula sa Provincial Government at kung papalawigin pa hanggang sa huling Linggo ng Abril ang ECQ ay ibibigay na rin ang huling relief goods ng Lungsod.