Pamamahagi ng antiviral pill na molnupiravir sa mga ospital sa bansa, sisimulan na Nobyembre

Aarangkada na sa susunod na buwan ang pamamahagi sa mga ospital ng experimental antiviral pill na molnupiravir ng kompanyang Merck & Co. bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay MedEthix co-founder Monaliza Salian, hanggang 300,000 COVID-19 positive patients ang pwedeng masakop ng gamot na na-i-order nila sa supplier.

Pero niliaw ni Salian na tanging ang mga ospital at doktor lamang na may Compassionate Special Permits (CSPs) ang papayagang makapag-reseta sa kanilang mga pasyente.


Sa ngayon kasi, aniya, hindi pa binibigyan ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang nasabing gamot.

Samantala, sinabi ni Pharmaceutical Company Jackpharma Inc., president Meny Hernandez na dalawang beses kada araw ang pag-inom ng molnupiravir sa loob ng limang araw.

Habang ang presyo nito ay naglalaro lamang sa P130 hanggang P150 kada kapsula.

Facebook Comments